Saturday, October 4, 2008

CLICK TO WATCH!!!

an MTV by OLEA BROTHERS
hope you like it!
RATE, COMMENT, SUBSCRIBE!!!

Saturday, May 24, 2008

Kwentong Barbiro!

Isang Gabi sa bahay ng mga Olea, ay nakaramdam kami ng kakaibang simoy dulot ng hanging habagat na nanggagaling sa Inter Tropical Convergence Zone sa Southern Hemisphere ng dagat pasipiko. (pero syempre imbento lang namin un! Hehehe). Anyways, Grabe ang init nung gabing un! Kung meron lang rescue operations na pwedeng macontact ay kanina pa humingi ng saklolo ang mga singit namin! Bumabaha na sa pawis! (eEEeeEwwWW!!!). Kiber! Tipong may katabi kaming hulmahan ng mga piyanono, kabayan, Spanish bread, kalihim, pandicoco, monay, pandesal at kung ano-ano pa! imbyerna ang mga beauty namin. Nagmistulang may pomada ang aming mga buhok kahit wala naman, naglalangis ang aming mga mukha kahit naglalangis naman talaga (hehe!), nanunuyot ang mga lalamunan at gustong masayaran ng “one tall mocha frappe and a grande iced coffee please!” (starbucks style) o di kaya naman “isang basong halo-halo nga! dagdagan nyo ng ube! Pakibilisan!” (ala kanto style). Kahit ano pa yan, basta makabawas lang ng init na nararamdaman.
Nang biglang nagtanong si Michael, “Kuya, bakit kaya ang init ngayon ano?” wika nya. At sumagot naman si Aris “teka, naligo ka na ba?” ang mariing sambit ng binata. Hindi nakasagot si Michael… naglakad palayo… kinuha ang tuwalya at nangingiting sinabi, “…ehehe… hindi pa.” sabay pasok sa banyo.
Makaraan ang sampung libong dekada (yan ang pakiramdam pag hinihintay mong matapos maligo sa banyo si Michael) ay natapos na itong maligo. Ngunit, “kuya ang init parin eh!” wika ni Michael. “o anong gagawin natin?” sagot ni Aris. (may dumaang anghet… nagkatitigan ang dalawang kumag) “STROLL TAYO!!!”
Sa ganap na 11:35pm ay napagdesisyunan ng dalawa na lumayas ng bahay na hindi man lang pinad-lock ang gate ng dalawang siraulong magkapatid! Ang mission: makakita ng hot chicka babes na maghuhubad sa harapan nila! (kunwari lang!) Ang totoong mission: tumambay at mag-inom sa kung saan man dalin ng aming ultra yellow super mega battle hopper (motor in short) na limang bilyong beses ng sumesemplang sa tuwing kami’y nagmamadali.
1st stop, 7-11 sa tapat ng walang kwentang university na itatago natin sa pangalang PERA-petual University. Nice spot. Sarap mag-inom. Ganda ng ambiance at walang gaanong mga adik na nanghihingi ng lagay. Ok n asana, kaso andaming tao! Dyahe! Puro pa konyo baka pagkukutusan pa namin sila eh. (pero joke lang un). So umalis nalang kami at naghanap ng ibang lugar na guguluhin. Binaybay naming ang kahabaan ng kalsada mula BiƱan hanggang sa Sta Rosa (Laguna). Ngunit hindi parin kami makahanap ng pwesto. Actually madali nman talaga ang ginagawa namin. Andami naman dyan mappwestuhan. Kaliwa’t kanan. Kalimitan ay patay sindi ang ilaw at palaging Christmas sa mga lugar na ito. Di malaman kung pundido ang mga bumbilya o may batang pinaglalaruan ang switch ng mga ilaw nila! May mga babaeng simisitsit at nagtututuwad sa daan para makuha ang iyong atensyon at bumangga ka sa kaharap mong jeepney (based on a true story. Hehehe!), at may mga barangay tanod o pulis na nakatambay… Palagi. Ayaw namin dun. Masyadong… ano…. aammmm… masyadong…. Basta ayaw namin dun!
2nd stop, Jollibee Paseo Mall (madadaanan mo pagpapunta ka ng tagaytay mula Sta Rosa). Ok sa alright! Inuman nauwi sa chibugan! Dahil lumalim na ang gabi at pareho kaming may mga alagang dragon, leon, buwaya, tigre o kung ano man ang tawag ng lola namin sa alaga daw namin sa tyan ay ginutom kami at nag-stop over sa JABI! Wweeeee!! Tamang pictorial kami. Feeling celebrity! Parang may shooting! Take one! Take two! Hanggang muntik ng mapuno ang SD card ng camera namin. Nalimutan namin na may mga tao pala sa paligid namin na pinagtitinginan kami. Mga crew na tambay sa store, mga konyo na nagsososyalan, mga 30-37yrs old group of people na animo’y nagpplano ng panibagong kudeta, at si manong guard na nakahawak na sa kanyang kalibre-45 baril habang nakatingin sa amin. Kiber! Sa ganap na 12:30am ay sumibat na kami at nagpatuloy sa aming mission.
3rd stop, Plaza Central ng Sta Rosa Laguna. Naroroon ang sikat na lugawan na dinadayo ng madaming adik sa madaling araw! Ayos! Tamang tama! Madaling araw na! gaya ng inaasahan naming maaliwalas at malinis ang paligid! May baklang nagtatago sa dilim at pangiti-ngiti sa amin. May mga batang squatters na patakbo-takbo sa paligid. May mga magsyotang walang pakialam sa mundo. May mga baranggay tanod na natutulog sa ilalim ng punong mangga. Welcome to the Philippines! Gaya ng dati, tinopak nanaman kami at animo’y sinaniban ng espirito ng mga bathala ng gago. Pictorial ulit kami. Todo japorms pa nga. At may choreo pa (see http://youtube.com/watch?v=mfr33v-oQfs)! Hindi kami nakapag inuman dito gawa ng madaming tambay. Baka magulpi lang naming sila! Tsk! Tsk! Tsk! 2:00am kami umalis sa lugar ng mga demonyo.
4th stop, balik sa 1st. pero this time, the place is ours! Walang katao-tao! Yahoo.com! takbo agad kami sa tapat ng cooler! Nakatitig sa pedestal na kung saan nakapatong ang aming pinakamimithing redhorse beer! ”ito ang tama!” naglalaway na an gaming mga labi, nangingilid ang mga luha sa aming mga mata, napapatalon na kami sa tuwa, nang biglang kinalabit kami ng guard, “boss, bawal mag-inom dito”… AMPOTANGNANGHANEPASHIT! Kill joy si manong. Wala kaming nagawa. Pero dahil andun na kami eh bumili nalang kami at napagdesisyunan na sa bahay nalang inumin. Pang-achar! Ok lang, nagenjoy naman kami sa stroll naming eh (pampalubag loob). Nagpicturan kami ng konti… hhhmmmm… ok fine… nagpicturan kami ng madami! Hehehe! Sa ganap na 2:40am ay umuwi na kami sa bahay.
Final stop, bahay. “Babalik ka rin, babalik ka rin, at babalik ka rin….” Ang awit ng aking ina na nangaasar pagbungad sa aming pinto. Nasampiga ko tuloy at nabambo ng d oras (pero syempre imagination ko lang un). Inuman at walang katapusang picturan ang nangyari. Tapos ang gabi. Tapos ang gala. Tapos kami kay lola kasi hindi naming sinarado ung pinto nung umalis kami. Hek! Hel! Hek!
I therefore conclude na hindi nsusunod ang mga traffic lights sa madaling araw! Bow.